Saludo Sa Tindera Ng Gulay Nagsauli ng P 2.7 Milyon , Pabuya Hindi Tinanggap.



Kahit gano man ito kalaki o gano man karami ay hinding hindi nito matutumbasan ng anumang halaga ang ating kabutihan sa puso pati na ang ating katapatan. Gayon pa man alam natin sa panahon ngayon ayaw kokonti na lamang ang mga taong may prinsipyo at hindi nadadala o nasisilaw sa pera.

Pinamalas lamang niya ang katapatan at kabaitan sa paraan na hindi siya nagdalawang isip na ibalik sa may-ari ang bag na nagkakalaman lamang ng PHP 2.7 Milyon.

Tulad na lamang nitong isang ginang na ito mula pa sa Ilocos Norte, pinatunayan niya na may mga tao parin talagang katulad nila may karangalan at higit sa lahat ay mayroong malasakit sa kapwa.


Siya si Alice Baguitan na isang tindera ng gulay sa lugar ng Laoag, Ilocos Norte.

Ikinwento ng tindera ang lahat ng nangyari mula sa simula, kumakain pala ito ng mga oras na iyon sa isang fast food resto, may babaeng tumabi kay Alice at mayroon itong dala dalang bag. 

Makalipas ang ilan lamang sandali ay agadang umalis ang hindi pa kilalang babae, nagkaroon umano ito ng emergency na naging dahilan ng pagkaiwan nito sa kanyang bag na naitabi pala sa paanan ni Alice Baguitan.

Gustong gusto naman bigyan ng pabuya ng may-ari ng bag ang nasabing tindera ng gulay ngunit pilit din itong tinatanggihan ni Alice Baguitan.


Nagpaliwanag naman si Alice, hindi man niya alam na ganoon kalaki ang laman ng nasabing bag ay hindi din naman ito ang pinakauna niyang beses na nagbalik siya ng pera na may malaki ding halaga sa loob.

Sa diyos lamang siya naniniwala na ito lamang ang magbabalik sa kanya ng biyaya dahil sa mga ginawa niyang katapatan sa kapwa.

Comments

Popular posts from this blog

Alamin: 5 paraan ng paggamit ng balat ng saging na pampaganda

Learning Modules Na May ‘Hugot Lines’ Mula Sa Mga Pelikula, Dismayado Ang Direktor Na Si Joey Reyes..

Kaawa-Awang Mga Babaeng Online Seller, Hinoldap Ginapos Ang Kamay At Paa.