napilitan ang magulang na si Vic Sotto na sabihin na tama na ang pag kotcha
Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Vic Sotto sa mga netizen na lumalait sa itsura ng kanyang anak kay Pauleen Luna na si Tali Sotto
Matatandaan na madalas ay may mga netizen na tumutukso sa
itsura ni Tali kaya’t napipilitan ang ina niya na si Pauleen na komprontahin
ang mga ito at paalalahan na maaring maparusahan ang mga tao na nagsasalita ng
masama laban sa mga bata sa internet.
Isa na ang netizen na si Patrich Walter Harris sa mga
nabigyan ng sample ni Pauleen matapos nitong tawaging “pangit” si baby Tali.
Samantala ay iba naman ang approach ni bossing Vic sa mga
lumalait sa kanyang anak
Sa isang panayam ng Kapuso Mo Jessica Sojo ay maaring may
mga pinagdaraanan lamang ang mga taong pinipiling laitin si baby Tali.
“Ang importante naman, higit na nakararami ‘yung napapasaya ni Tali. Napapa-smile niya sa araw-araw sa tuwing magpo-post ang kanyang nanay,” saad ni bossing
“Tapos ‘yung mga ilan na hindi natutuwa, hindi ko na lang
pinapansin ‘yon. Pinagpapasa-Diyos ko na lang ‘yon. I try to understand these
people dahil malay natin baka may pinagdadaanan o may problema lang sa buhay,
mainit ang ulo niya at the time. Iniintindi ko na lang ‘yon,” dagdag niya pa.
yon sAa kanya ay mas mahalaga ang good comments na
ibinibigay ng karamihan sa kanila.
Pero pinaalalahan parin ni bossing ang mga tao na maging
responsable sa pag gamit ng social media at isipin mabuti ang mga binibitawan
nilang salita sa internet.
“One of the risks, disadvantage lalo na sa social media
ngayon, mayroon din talaga tayong mga kababayan ngayon na iresponsable sa
paggamit ng social media,”
“Hindi naman natin mako-correct ang mga ugali nila. Bahala
na sila. Kanya-kanya namang opinyon ‘yan. Nasa demokrasya tayo pero let’s be
responsible sa ating mga post, sa ating mga comment,” dagdag pa niya.
Hindi maikakaila na kahit na may mga lumalait kay baby Tali
ay marami ang nagmamahal dito lalo na’t isa siya sa mga inaabangan ngayon sa
noontime show na Eat Bulaga.


Comments
Post a Comment