Nagkapagtapos Ng Kolehiyo Ang Apat Na Magkakapatid Sa Tulong Ng Magulang Na Tricycle Driver At Mananahi
Ang tamis ng tagumpay ay napakasarap lalo na’t pinaghirapan ito at dumaan sa maraming pagsubok. Minsan, sa dami ng problema sa buhay ay hindi natin maiiwasang sumuko at huwag nang ituloy ang laban.
Ngunit kakaiba ang kwentong ibinahagi ng isang netizen kung papaano iginapang ng kanilang mga magulang ang pag-aaral nilang magkakapatid upang makapagtapos ng kolehiyo.
Marami na tayong nabalitaang ganitong pangyayari sa ating bansa. Nakakatuwa at tunay na inspirasyon ang ganitong kwento sa bawat Pilipino.
Sa Facebook page na “Peso Sense”, ibinahagi nito ang tagumpay ng apat na magkakapatid na nakapagtapos sa kolehiyo sa tulong ng kanilang tricycle driver na ama at mananahing ina.
Ayon sa netizen, ang kanyang tatay ay nakikiboundary lamang umano sa tricycle, ang kanyang ina naman ay pakyawan o maramihan ang pananahi. Hindi raw umano ‘fix’ ang kanilang kita.
Naging working student din umano silang magkakapatid at pinilit na makapasok sa scholarship program. Hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan, ngunit hindi sila sumuko.
Sa ngayon ay tapos na silang magkakapatid sa kolehiyo at nakapasa sa board exam.




Comments
Post a Comment