Members ng Viva Hot Babes, Nagpa-Indak Sa Mga Netizens Sa Pamamagitan ng Tiktok


Mabilis na nag-viral ang video ng original members ng Viva Hot Babes nang muli nilang sayawin ang "Sayaw Kikay". 

Naging patok muli ang kanilang dance hit na ito dahil sa TikTok kung saan ginagamit itong background music ng ilang video. 

Aliw na aliw ang netizens na makita muli ang grupo na sumasayaw nito ngayong 2020.

2003 pa nang mabuo ang kanilang grupo kaya naman natuwa ang mga dati pa nilang fans na makita silang magkakasamang muli.


 
Agaw eksena ang TikTok video ng original members ng Viva Hot Babes kung saan sinayaw nila ang sikat nilang dance craze noon na "Sayaw Kikay".

Halos kumpleto ang grupo na kinabibilangan nina Katya Santos, Andrea del Rosario, Sheree, Gwen Garci, Jaycee Parker at Maui Taylor. 

TikTok video ito ng isa rin nilang video na si Zara Lopez na ibinahagi rin ng netizen na si Ang Elo sa kanyang Facebook. 

Walang kakupas-kupas ang grupo na todo hataw pa rin sa pagsasayaw. Kaya naman marami sa kanilang mga tagahanga ang natuwang makita na sila'y magkakasamang muli at sinasayaw pa nila ang kanyang dance hit. 



Sa mismong TikTok page ni Zara, umabot na sa 64,200 ang nag-puso sa video nilang ito. 

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens: "Ang cute! ang gagaling pa rin nila" "Iba talaga pag mga original! 

Go girls! ang galing parin po ninyo" "Wow, halos kumpleto sila, nakakatuwa lang panoorin feeling ko tuloy ang bata ko pa!"



 "Naalala ko ginagaya ko pa sila noon sa sayaw na 'to, nakakatuwang makita sila ulet". 

"Still fab at kayang-kaya pa rin nilang humataw!" 

Ang Viva Hot Babes ay all-girl group na nabuo noong 2003.

 Ilan sa mga orihinal na miyembro nila ay sina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Myles Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, Sheree at Pam Sarmiento. 

Hanggang ngayon ay nakikita pa rin sa telebisyon ang ilang sa kanila tulad nina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea Del Rosario at si Sheree. 


Comments

Popular posts from this blog

Alamin: 5 paraan ng paggamit ng balat ng saging na pampaganda

Learning Modules Na May ‘Hugot Lines’ Mula Sa Mga Pelikula, Dismayado Ang Direktor Na Si Joey Reyes..

Kaawa-Awang Mga Babaeng Online Seller, Hinoldap Ginapos Ang Kamay At Paa.