Lolong May Sariling Kompanya Dati na 81 Yrs. Old Na, Retail Assistant Na Lang Ngayon Ang Trabaho.


Nag-viral ang Facebook post ng isang netizen mula sa bansang Thailand noong siya ay nagpunta sa isang shopping mall. Hindi inaasahan ni Palakorn Tesnam na ang 81-years old retail assistant ang magbibigay sa kanya ng mga payo sa buhay.

Ayon kay Tesnam, isang matanda umano ang nagtanong sa kanya kung kailangan niya ng shopping cart. 


Tinawag ni Tesnam na uncle Pracha ang matanda sa kanyang post at ikinuwento ang kanilang mga napag-usapan habang siya ay namimili.

Kwento ni Tesnam, si uncle Pracha ay 81-years old na at nagtratrabaho mula 9am hanggang 7pm bilang isang retail assistant sa isang mall.



Sa kanilang kwentuhan, nabanggit ni uncle Pracha na meron siyang isang kompanya noon at mayroong halos 200 na empleyado. Dagdag nito, wala umano siyang totoong kaibigan kaya nang bumagsak ang kanyang kompanya ay iniwan siya ng kanyang mga inakalang kaibigan.

Sa ngayon, bukod sa pagiging retail assistant, nakagawian na umano ni uncle Pracha na makipagkwentuhan at makinig sa mga kwento ng kanyang customers.

Binigyan rin niya ng magandang payo si Tesnam.

Don’t drink alcohol, don’t smoke… Don’t be stressed, know how to let go.

Narito ang mga larawang in-upload ni Tesnam:









Comments

Popular posts from this blog

Alamin: 5 paraan ng paggamit ng balat ng saging na pampaganda

Learning Modules Na May ‘Hugot Lines’ Mula Sa Mga Pelikula, Dismayado Ang Direktor Na Si Joey Reyes..

Kaawa-Awang Mga Babaeng Online Seller, Hinoldap Ginapos Ang Kamay At Paa.