kapatid ng asawa ni Super Tekla, tinawag ‘scripted daw ang lahat
Tila patapos na ang isyu na kinakaharap na isyu ni Super Tekla at ng kanyang dating kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag, ngunit may isa pang tao na kasali sa kontrobersiya ang tila patuloy paring nakakatanggap ng batikos hanggang ngayon.
Sa isang kumakalat na mga screenshot sa social media ay makikita na ang kapatid ni Michelle Lhor na si Ashley ay pilit diumanong itinatanggi na pinapabayaan nila ang condominium unit ni Tekla.
Ilang araw lamang ang nakakaraan ay napansin ng mga netizens
ang tila napakaduming condominium unit ni Tekla sa isang lumang video, kahit na
napakadami niyang kasama na pwedeng mag linis ng mga kalat.
Sa nasabing vlog ay pinagsabihan ni Tekla ang kanyang mga
kasama na sila Michelle at Ashley na maglinis naman ng condominium unit at
huwag unahin ang paglalaro sa cellphone.
Pero ayon kay Ashley ay inutusan lamang daw sila ni Tekla na
iwanang madumi ang condominium unit para sa content ng kanilang vlog.
“Be vlogg yun scripted yun,” ani Ashley “Inutusan niya kami kinalat din niya lahat ng gamit don kasi vlogg panoorin mo maigi yung vlogg be. Halatang scripted yun kalokoka,”
Naging usap usapan din ang pagbisita ng komedyanteng si
Donita Nose sa tinitirhan ni Tekla kung saan ay nakita ng mga netizens kung
paano iniwan nila Michelle at Ashley ang condominium unit ng komedyante.
Matatandaan na si Ashley ay isa sa mga nakitira sa
condominium unit ni Tekla, at sinama rin nito ang kanyang nobyo.
Si Ashley rin ang nag akusa kay Tekla na hindi daw sila pinapakain ng komedyante sa tamang oras kahit na napansin ng mga netizens na ‘malusog’ ang pangangatawan nito.
Kahit ang mamamahayag na si Raffy Tulfo ay tila hindi narin
gustong makausap o tulungan man lang si Ashley.
“No, ayokong makausap yung mataba mong kapatid. Wala siyang
pakialam dito,” ani Tulfo.
Comments
Post a Comment