Kahit naman sinong tao dika pwedeng mang hosga buhay nila yan
Kahit naman sinong tao dika pwedeng mang hosga buhay nila
yan
Hindi maikakaila na kahit na may mga lumalait kay baby Tali
ay marami ang nagmamahal dito lalo na’t isa siya sa mga inaabangan ngayon sa
noontime show na Eat Bulaga.
Internet celebrity Caffey Namindang na mas kilala bilang
“Makaganda”, naglabas ng sama ng loob tungkol sa kanyang boyfriend at vlogging
partner na si Christian Merck Grey.
Sa isang live video, ibinisto ni Makaganda na lahat ng
ginagawa nila sa kanilang Youtube vlog ay pawang scripted lamang at walang
katotohanan.
Makikita na hindi makontrol ni Makaganda ang kanyang emosyon
habang ikinukuwento ang mga masasamang ginawa sa kanya ni Christian.
“Sa milyon milyong kinikita niya sa isang buwan, limang libo
lamang ang ibinibigay sa akin niyan pati kay mama,” ani Makaganda. Nawalan na
rin diumano ng kaibigan si Makaganda dahil sa mas pinili niya na manatili kay
Christian sa kabila ng mga ginagawa nitong masama sa kanya.
Sinabi ni Makaganda na hindi umano humingi si Christian ng basbas mula sa
kanyang mga magulang kaya’t hindi maganda ang mga pangyayari matapos mag propose ang sikat na vlogger noong araw na iyon.
Tumataginting na 170,000 pesos pa daw ang singsing na
ginamit ni Christian sa proposal niya kay Makaganda, ngunit sa huli ay nalaman
nila na 30,000 pesos lamang ito.
“Hindi po siya nagpaalam sa tatay ko na mag po-propose siya,
noong araw na ‘yon hindi maganda ang nangyari, ‘yung proposal na ‘yun hindi po
ako naniniwala doon dahil alam ko na hindi totoo ‘yon para lang po ‘yun sa
video,” saad ni Makaganda.



Comments
Post a Comment