15 Celebrity Actors Na Mayroong Pinakamaraming Anak Sa Larangan ng Showbiz.
Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na ilan sa ating mga paboritong personalidad at artista ay mayroong malaking pamilya. Siguro, malaking hamon ito para sa iba sa atin, ngunit hindi din naman natin maitatanggi ang saya na dala ng pagkakaroon ng malaking pamilya sa isang tahanan.
Narito ang ilan sa mga artista na naging ama sa napakaraming anak:
Francis Magalona
Si Francis Magalona ay nagkaroon ng anim na anak sa kaniyang asawa na si Pia Magalona.
Christopher De Leon
Anim naman ang biological na anak ng actor na si Christopher de Leon sa kaniyang dalawang asawa.
Mark Gil
Ang actor na si Mark Gil ay mayroong anim na anak sa apat na babaeng nakarelasyon niya.
Cesar Montano
Nagkaroon naman ng anim na anak si Cesar Montano sa tatlong babae na kaniyang nakarelasyon.
Bong Revilla
Anim naman ang anak ni Bong Revilla sa kaniyang asawa at isa naman sa babaeng nakarelasyon niya.
Robin Padilla
Si Robin Padilla o kilala bilang "Bad Boy of the Philippine Cinema" ay nagkaroon ng pitong anak sa apat na babae na kaniyang nakarelasyon.
Joey Marquez
Katulad ni Robin, ang komedyante ding si Joey Marquez ay nagkaroon ng pitong mga anak. Ito ay mula sa tatlong babae na naging karelasyon niya.
Joel Cruz
Ang "Lord of Scent" na si Joel Cruz ay mayroong pitong anak na na-conceive sa pamamagitan ng in vitro fetilization.
Eddie Gutierrez
Walo naman ang naging anak ni Eddie Gutierrez sa tatlong babae na kaniyang nakarelasyon.
Gardo Versoza
Hindi naman daw lalampas ng sampu ang mga anak ng actor na si Gardo Versoza.
Jay Manalo
Ang actor na si Jay Manalo ay mayroong labing isang anak sa anim na babae na nakarelasyon niya.
Erap Estrada
Si dating Pangulong Erap Estrada ay nagkaroon ng sampu hanggang labing dalawang anak sa mga dating nakarelasyon niya.
Dolphy Quizon
Ang Hari ng Komedya na si Dolphy Quizon ay nagkaroon ng labing walong anak sa anim na babae na dumating sa kaniyang buhay.
Ramon Revilla Sr.
Ang dating actor na si Ramon Revilla Sr. ay nagkaroon ng pitongpu't dalawang anak sa iba't ibang mga babae na kaniyang nakarelasyon.
Lou Salvador Sr.
Tinatayang nasa isang daan dalawa ang naging anak ng dating basketball player na si Lou Salvador mula sa mahigit na apatnapu't siyam na babae na dumating sa kaniyang buhay.
















Comments
Post a Comment